Monday, March 14, 2011

Fr. Al, Dakila Kang Ama

FR. AL, DAKILA KANG AMA

May isang pag-ibig na wagas
Ito'y inihandog sa mahihirap
Taglay mong pagmamahal na nagbigay ng liwanag
Sa mga pusong salat sa ginhawa

Tanglaw ka, ilaw at gabay
Sa mga kabataang mahal mong tunay
Na nakamtan ang mapagkalinga mong mga kamay
Upang tahakin ang landas ng Maykapal

Koro
O Fr. Al, dakila kang ama
Ang pag-ibig mo ay wagas at magpakailanman
Maging buhay iyong inialay
Sa mga dukha at walang malay...O Fr. Al

Sa aming puso, laging naroroon
Ang iyong mga aral at patnubay
Katapatan sa Maykapal at pagmamahal sa Inang Banal
Kalinisan at pag-ibig na wagas

Kailanman, O aming ama
Ika'y mananatili sa aming puso
Pagmamahal at liwanag mo'y aming ikakalat
Salita't gawain mo'y aming gabay...(Koro 2x)

***
In loving memory of the 19th Death Anniversary of our Beloved Servant of God, Fr. Aloysius Schwartz (18 September 1930 - 16 March 1992)

No comments:

Post a Comment